[Verse 1]
Kung nakikita mo lang ang aking namamasdan
Mapapawing lahat nang gulo sa iyong isipan
Meron palang nilalang na papantay
Sa bighaning taglay ng buwan
Dala ay himbing gaya ng paboritong unan
[Verse 2]
Kung hahayaan mo lang na ako ay mapagbigyan
Ipapangako sa'yo kailanma'y 'di ka iiwan
Hindi man tiyak ang dala ng paghihintay
Lahat pa rin ay isusugal
Hanggang ang pangalan ko ay maging pangalan mo
[Chorus]
'Di ko man magawang sabihin
Pipilitin kong hanapin
Kung dati'y palagi ko na lang nililihim
Alam kong ngayon hindi na magkakamali
[Verse 3]
Kung sa iba mababaling ang iyong pagtingin
Walang ibang masisisi kundi aking sarili (Sarili)
Puno man ng kaba ang damdamin ko
Kalabanin man ako ng buong mundo
Gusto ko lang namang patunayan sa iyo
Na ang isang tulad mo ay tinatangi ko
[Chorus]
'Di ko man magawang sabihin
Pipilitin kong hanapin
Kung dati'y palagi ko na lang nililihim
Alam kong ngayon hindi na magkakamali
[Guitar Solo]
[Chorus]
'Di ko man magawang sabihin
Pipilitin kong hanapin
Kung dati'y palagi ko na lang nililihim
Alam kong ngayon hindi na magkakamali
'Di ko man magawang sabihin ('Di ko man magawang sabihin)
Pipilitin kong hanapin (Pipilitin kong hanapin)
Kung dati'y palagi ko na lang nililihim
Alam kong ngayon hindi
Alam kong ngayon hindi
Alam kong ngayon hindi na magkakamali