Dionela
’Di Na Posible
[Verse 1]
Nagkamali; puwede mong sabihin sa 'kin
Magkunwari; kung ika'y pagod na kakaintindi
Patawad kung maraming pagkakamali
Pangakong magbabago

[Chorus]
'Di na posible; malabong mangyari
'Di ko naman maaaring ipilit
Pa'no lalaban kung ikaw ang kalaban?
Wala nang pintuan pang masisilip

[Verse 2]
Nagkamali; ba't nais nang lumaya't
Parang pumait ang batis na'ng tayo'y tanaw
Hindi galit; kung ang pagbitaw mo ay ang kapalit
Ng aking sakripisyo

[Verse 3]
Sinasambit ang pangalan mo tuwing gabi
Nananaginip na ikaw ay katabi
Ngunit ngayo'y wala na
Mapapatawad ba?

[Chorus]
'Di na posible; malabong mangyari
'Di ko naman maaaring ipilit
Pa'no lalaban kung ikaw ang kalaban?
Wala nang pintuan pang masisilip
[Instrumental Break]

[Chorus]
'Di na posible; malabong mangyari
'Di ko naman maaaring ipilit
Pa'no lalaban kung ikaw ang kalaban?
Wala nang pintuan pang masisilip
'Di na posible; malabong mangyari
'Di ko naman maaaring ipilit
Pa'no lalaban kung ikaw ang kalaban?
Wala nang pintuan pang masisilip

[Outro]
Aaminin kong mahal pa rin kita
Pero naisip din na huwag na lang pala
Sinta