Eliza Maturan
Sisig
[Verse 1]
Nakita kita, lumalapit
Humahapdi ang pusong matagal nang nagtatago
Sa mga bituin na nakita sa 'yong mata
Kumikislap sila, sa gabi man o umaga

[Pre-Chorus]
'Wag mo sanang pagmasdan
Kahinaan ko kasi ang ganyan

[Chorus]
'Wag kang masyadong kiligin
Lumilinaw ang paningin
Sa tuwing lumalapit ka sa 'kin
'Wag mong masyadong isipin
Ngayon lang 'to
Ngayon lang siguro

[Verse 2]
Nakita kita, papalapit (Papalapit)
Namamanhid ang katawan
Parang 'di mapakali
Tila wala na sa sarili, 'di maikubli
Nagbabakasakali lang, 'di ko maitanggi

[Pre-Chorus]
Pwede ka bang pagmasdan
Kahit dito sa malayuan?
[Chorus]
'Wag kang masyadong kiligin
Lumilinaw ang paningin
Sa tuwing lumalapit ka sa 'kin
'Wag mong masyadong isipin
Ngayon lang 'to
Ngayon lang siguro

[Bridge]
'Di maintindihan
'Di maunawaan
Bakit gusto kang pagmasdan?
Walang maidahilan
Hinahanap ka sa daan
Ito na nga ba ang palatandaan?

[Chorus]
'Wag kang masyadong kiligin
Lumalalim ang pagtingin
Kailan mabibigyang pansin?
'Wag mong masyadong isipin
Ngayon lang 'to
'Wag kang masyadong kiligin ('Wag kang kiligin)
Lumilinaw ang paningin
Sa tuwing lumalapit ka sa' kin
'Wag mong masyadong isipin ('Wag mong isipin)
Ngayon lang 'to
Ngayon lang sigurado