Sarah Geronimo
Tagu-Taguan
Umagang kay dilim
Dito wala pa rin
Nagbago, magbabago
Sa pag-ikot ng mundo
Naiiwan na ako
Hilo, hinto
Tagu-taguan
Ako ba'y nakikita
Di na magigising, di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad, di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako
Pagbilang ng tatlo
Ako'y magtatago
Sa mundo, sa'yo
Tagu-taguan
Wala na akong makita
Di na magigising, di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad, di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako
[J Makata:]
Puno na ng tanong, sa kalungkutan ay nakikipaglaro
At pagbilang ng sampu dapat makapagtago ako
Isang oras nasa dilim, walang nakatingin
Dalawang mata'y nanatiling nakapiring
Atat lu mabas at sa taas makahiling
Apat na bakas, ng bulong sana'y dinggin
Nanlilimahid, pawisan galing sa gera
Animoy walang kahera dahil walang kwenta
Pasulong ay di na alam, laging paurong
Pumipito sa kawalan baka may tumulong
Hagilapin sa, tamang ruta ng gubat
Nasakop na ng awa, luha, at sugat
Ang siyang mga nilunod ng poot kahapon
Tiyak sa pangsampu na bilang tayo ay makakaahon tara
Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso
Nasan na ako, nasan na ako
Pumikit, lumiit ang mga anino
Hanapin mo ako, hanapin mo ako
Di na magigising, di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad, di na nahuhulog
Dito lang ako
Di na magigising, di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad, di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako