Sharon Cuneta
Sa Kanya
[Verse 1]
Namulat ako at ngayo'y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na ang mga sandali
Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi

[Pre-Chorus]
Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon nagdurugo pa rin?

[Chorus]
Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya

[Verse 2]
At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang
At minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik no'ng siya'y kapiling pa
Alaala ng buong magdamag

[Pre-Chorus]
Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin
[Chorus]
Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya

[Post-Chorus]
Ha, ha-ah, ha-ah-ah, ha-ah
Ha-ah-ah-ah-ah, ha-ah-ha-ah, ha-ah
Ha-ah-ah-ah-ah, ha

[Chorus]
Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin
Sa kanya

[Outro]
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh, ooh