Kristina Dawn
Kupidong Napagod Na
[Verse 1]
Umaawit ang mga tala
Sagot sa'ki’y mahal mo na raw
Ang tulad kong masarap kasama
Ngunit mailap sa pana ni kupidong napagod na
Umaamin ang mga mata
'Wag dayain ang sarili, mm, lumapit ka
Mahapdi sa umpisa
Kinalauna'y tatamis na rin ang nadarama

[Chorus]
At ang lamat ng hindi pagkakaintindihan
Ay patuloy na ating babaliwalain
Yun ang aking hiling

[Verse 2]
Taglay na kapintasan
Dahilan kung bakit napakaraming damdamin
Madaling wakasan, madaling palitan
At hindi ka rin naman takot
Sa kung ano ang kaya kong gawin
Nang wala ka sa tabi (Nang wala ka sa tabi)
Ba’t wala ka sa tabi? (Ba't wala ka sa tabi?)
'Pag wala ka sa tabi ('Pag wala ka sa tabi)
Meron namang katabi (Meron namang katabi)
'Pag wala ka sa tabi ('Pag wala ka sa tabi)
[Chorus]
At ang lamat ng hindi pagkakaintindihan
Ay patuloy na ating babaliwalain
Yun ang aking hiling

[Bridge]
'Wag magpalinlang
'Di ako ’yong inakala
’Wag magpalinlang
'Di ako ang bahala
’Wag magpalinlang
Ikaw lang ang kawawa
'Wag magpalinlang
'Di ako 'yong inakala

[Chorus]
At ang lamat ng hindi pagkakaintindihan
Ay patuloy na ating babaliwalain
Yun ang aking hiling

[Outro]
Umaawit ang mga tala
Sagot sa’ki'y mahal mo na raw
Ang tulad kong masarap kasama
Ngunit mailap sa pana ni kupidong napagod na