Freddie Aguilar
Kumusta Ka
[Verse 1]
Kumusta ka, aking mahal?
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y 'wag mong intindihin
Nakakaraos din
[Verse 2]
Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awitin
Nalulungkot kong damdamin
Naaaliw na rin (Ako sa 'yo'y naaaliw)
[Chorus]
Panaginip ko'y laging ikaw (Aking), sinta
(Ikaw lamang lagi)
Kahit na dilat yaring mata (Kahit na malayo ka, sinta)
Kahit na malayo ka'y para ring kapiling ka
Mahal, kumusta ka?
[Verse 3]
Malalim na itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay 'di madarama (Lamig ay 'di madarama)

[Outro]
Kumusta ka, aking mahal?